May napanood ako na isang pelikula. Ang pamagat nito
ay “Meet the Robinsons”. Ang bida ay isang batang lalaki na mahilig sa agham at
pangarap na maging scientist. Nag-imbento siya ng isang bagay at ipinakita niya
ito sa kaniyang kapamilya at nung sinubukan niya ito ay nabigo siya. Ang naging
reaksyon ng kaniyang pamilya ang pumukaw sa akin. Imbis na tawanan dahil sa
kaniyang pagkabigo ay pinalakas pa nila ang loob nito at may isang linya na nagbigay
ng inspirasyon sa akin. “From failing, you learn and from that failure, You
become more inspired, Inspired to become more successful so just Keep Moving
Forward.
Magandang
Araw! Ako si Jan Lib Andrei V. Casabar at sa mundo ngayon na puro hamon at
pagsubok, paano tayo uusad at magpapatuloy? Paano natin magagawang magpatuloy
sa mga balakid at kabiguan kahit na mahirap?
Ang
buhay ay puno ng pagsubok at pagkakataon na maaaring magdulot ng pagkabigo.
Hindi natin maiiwasan na tayo ay magkamali. Subalit ang mga pagkakamaling ito
ay hindi natin dapat ituring na balakid kundi pagkakataon para bumangon at
maging mas mahusay pa. Ang hindi pagsuko ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon
na matuto at maging mature. Sa bawat pagkakamali at kabiguan ay mayroon lagi
tayong natututunan at ito ang nagsisilbing pundasyon para tayo ay maging
malakas. Ang mga pagsubok na ito ay hindi hadlang kundi isang paraan para
mahasa tayo na maging matatag at maging mas mahusay. Sa ating pagpapatuloy ay
maraming oportunidad ang nagbubukas. Kapag tayo ay huminto, mawawala ang
posibilidad na makita natin ang mga sumasalubong sa atin sa hinaharap at lagi
nating tandan na mayroon laging pag-asa sa dulo ng paghihirap at may biyayang
naghinintay. Dito natin napapatunayan na may determinasyon tayo at katatagan.
Ipinapakita na kaya nating harapain ang mga pagsubok para maabot ang ating mga
pangarap. Ito ay nagsisilbing inspirasyon hindi lamang sa atin kundi sa mga
taong nakapaligid sa atin.
Naalala
ko pa noong bata pa ako at nag-aaral na magbisikleta. Sa bawat tumba at gasgas
na nakukuha ko, hindi ako sumusuko. Patuloy akong sumasakay at susubukan kong
muli at sa bawat pagsubok ay nagging mas bihasa ako, mas nagging matatag.
Isa
sa mga kilalang tao na kilala sa buong mundo na hindi sumuko ay si Thomas
Edison. Bago niya natuklasan ang tamang formula para sa electric bulb ay nabigo
siya ng mahigit isanglibong beses ngunit hindi siya tumigil. Sa halip ay
ginamit niya ang kaniyang pagkakamali bilang pagkakataon para mas matuto at
pagbutihin pa niya at dahil sa kaniyang determinasyon at pagpupursigi ang
nagdala sa kaniya sa tagumpay na kaniyang inaasam.
Sa
pagtatapos, nais kong ipaalala sa ating lahat na ang buhay ay hindi palaging
madali ngunit ito ay puno ng maraming pagkakataon. Sa bawat hakbang, maliit man
ito ay isa pa ring hakbang patungo sa ating pangarap. Huwag tayo matakot sa
kabiguan sapagkat ito ang nagsisilbing tulay para sa ating pag-unlad. Magtiwala
tayo sa ating kakayahan at magtiwala lang sa ating sarili. Kaya’t sa bawat
pagsubok, tandan natin ang paksang “Keep Moving Forward”. Patuloy tayong
magsikap at makakamit natin ang mas maliwanag na bukas. Maraming Salamat po at
magandang araw sa ating lahat.
No comments:
Post a Comment