Sinisisi ko parin ang sarili dahil sa mga nangyari. Hindi ako makatulog sa gabi
dahil binabangungot parin ako ng kahapon. Tinitingnan ko parin ang litrato
naming dalawa na sobrang saya pero dahil sakin ay nasira ang lahat.
-3 years ago-
"Hi love, nandito
na ako sa tapat ng bahay niyo", ang text ko sa girlfriend kong si Sein.
"Ah ang aga mo
naman sumundo, ayaw mo ata malate sa klase natin ah", ang kaniyang reply.
"Bilisan mo na
para solo natin yung room" ang pagbibiro ko.
Yes kami na ni Sein for
almost 2years, legal kami both side at tanggap ng pamilya namin ang bawat isa.
Were on the same class at nagtatake ng parehong courses at parehong school.
"Hi Zev nandito
nako" ang bungad ni Sein sakin paglabas ng kanilang bahay.
"Osige sumakay ka
na para makapasok tayo ng maaga" at sabay noon ay pinagbuksan siya ng
pinto.
"Wow ang gentleman
naman ng aking boyfriend pakiss nga" ang kaniyang pangaasar sakin.
"Tumahimik ka nga
sumakay ka na lang tapos mamaya nalang sa school gawin" ang pangaasar ko
sa kaniya.
Nang makarating kami sa
university ay nagpunta na kaming dalawa sa room subject namin at as ussual wala
pang tao. Nakasanayan na namin ni Sein na pumasok ng maaga at pumunta agad sa
room para tulungan kami sa mga homework namin. Mag aalas otso na ng dumating
ang teacher namin sa Statistics and Probability.
"Ok class may bago
kayong kaklase, Miss pumasok ka na at ipakilala mo mo ang iyong sarili".
At agad na pumasok ang isang babae.
"Ako nga pala si
Kirstelle Tulca and nice meeting you all" sabay ng bow at nagbigay ng
matamis na ngiti saming lahat.
"Dun ka na umupo
sa likod at wala nang free na upuan dito sa unahan" ang sabi ng Prof.
namin sa Prob and Stat.
Agad naman na pumunta
si Kirstelle sa tabi dahil doon lang may free na upuan.
Alam kong may
girlfriend ako pero na attract ako kay Kirstelle. Maganda siya, matangkad, kung
baga ay parang perfect siya sa mata ko.
Pagkatapos ng klase ay
pumunta kami si Sean sa cafeteria para bumili ng makakain. Habang nakain kami
sa table ni Sein ay biglang may nagsalita. "Pwede ba ako makishare puno na
kasi lahat ng table eh" ang sabi ng babae.
"Oh ikaw pala
Kirstelle ang sambit ng girlfriend ko na agad ko naman ikinagulat. "Pwede
naman dito kana sa tabi ko para sabay narin tayong tatlo pumasok sa susunod na
class natin" ang sunod na dada ni Sein
Habang nakain ay hindi
ko mapigilan na tumingin kay Kirstelle dahil sa ganda niya. Pero hindi ko parin
inaalis sa isipan ko na may girlfriend ako. Pagkatapos kumain ay pumunta na
kami sa sunod na klase
Nang uwian na ay agad
kong kinausap si Kirstelle at hiningi ang kaniyang number at hindi naman ako
nabigo at binigay niya nga ang kaniyang number.
Pagkatapos ay pumunta
na ako sa kotse para ihatid na si Sein sa kanilang bahay.
"Wait lang babe
nalimutan ko yung ibang gamit ko sa locker babalikan ko lang" ang
pagkataranta ko dahil naiwan ko yung books ko sa locker.
"Okay babe kunin
mo na at maghihintay nalang ako dito" ang kaniyang namang sabat.
Habang nasa kotse ay
pansin ko ang walang kibo ni Sein sakin.
"Love ayos ka lang
ba, bat ang tahimik mo?", ang tanong ko sa kaniya pero ang tangi lang
niyang sagot ay pagod lang daw siya.
Pinagwalang bahala ko
ang mga naging kilos ni Sein dahil nga minsan ay wala yun sa mood ay nasanay
narin ako sa mga gawain nya na yun.
Pagkauwi ko ay agad
kong tinext si Kirstelle. Walang pang isang minuto ay nagreply na siya.
"Kamusta na"
ang pagtatanong ko sa kaniya.
At agad naman sjyang
nag reply na "ayos lang".
Di ko maintindihan pero
parang mahal ko narin si Kirstelle, pero iba ang pagmamahal ko kay Sein.
Nagdaan ang mga araw ay
ganoon parin si Sein. Wala lagi siya sa mood at tamlay na tamlay. Napapansin
korin na lagi siyang tulala at minsan ay nahuhuli ko siyang umiiyak. Nagtuloy
tuloy ang mga gawain ko na yun tuwing gabi hanggang sa umamin siya sakin na may
gusto siya sakin. Hindi ko maikubli ang aking tuwa dahil nagkagusto sakin yung
aking crush at lungkot dahil kay Sein.
Isang araw ay
napagdesisyunan namin ni Kirstelle na magkita sa isang restaurant para i
clear kung anong meron samin. Napagdesisyunan ko narin na umamin sa kaniya
at ipinangako ko na hihiwalayan ko na si Sein sa madaling panahon.
-
"Zen mauna ka na
sa kotse at may hihiramin lang ako sa library nalibro" ang sigaw sakin ni
Sein.
Agad naman akong nag ok
sign at pumunta sa parking lot para kunin ang aking kotse. Nang bubuksan ko na
ay biglang may nagsalita.
"Babe namiss na
kita" na parang excited na tono. "Anong ginagawa mo dito Kirstelle
baka makita tayo ni Sein.
Pero wala na akong
nagawa dahil sinunggaban na niya ako ng halik. Nagtagal ang mga pangyayari na
yung ng may kalahating minuto bago siya bumitaw ng halik at umalis.
Pagkaraan ng ilang
minuto ay dumating si Sein dala ang libro na hiniram niya sa library. As ussual
wala na naman siya sa mood at basta nalang pumasok sa kotse
Habang nasa byahe ay
pansin ko ang pagwawalang imik ni Sein.
"Sein okay ka lang
ba?", ang pagaalalang tanong ko sa kaniya.
"Ah okay labg ako,
konting sinat lang ito" ang tangi labg niyang sagot.
Pagkarating ko sa tapat
ng bahay ni Sein ay pinagbuksan ko siya ng pinto at akma ko na sana siyang
hahalikan ay umiwas siya at sinabi na wala siya sa mood.
Pagkarating ko sa bahay
ay agad kong tinawagan si Kirstelle at nagusap kung paano sasabihin kay Sein na
may iba nakong mahal.
-Kinabukasan-
Papunta na ko sa bahay
nila Sein para sunduin siya. Nang nasa tapat na ako ng bahay nila ay sumalubong
sakin ang kanilang maid at sabi ay nasa ospital si Sein.
Agad akong pumunta sa
ospital na sinabi ng maid at pagkarating ko sa ospital ay umiiyak ang mga
magulang ni Sein dahil sa pagaalala. Pagkarating ko ay agad kong tinanong sila
Tito at Tita kung ano ang nangyari ay may nakita daw silang pills sa higaan niya
kung saan siya nakahiga.
Makaraan ang ilang
minuto ay may lumapit samin na doktor. "I’m sorry Maam Sir ginawa na po
namin ang lahat pero hindi po nakayanan ng anak niyo ang ininom niyang pills.
Im sorry patay na po ang anak niyo"
Lahat kami ay nabigla sa
sinabi ng doktor. Hindi ko alam ang gagawin ko that time. Di na rin ako pumasok
para damayan ang pamilya ni Sein.
Kinagabihan ay
nagsimula na ang burol. Umuwi muna ako sandali para maligo at kumuha ng
pamalit. Pagkarating ko ay kinausap ako ng mama ni Sein. "Anak nakita ko
to sa tabi ni Sein nung. Parang para sayo to" sabay abot ang papel at
kinuha ko naman ito.
"Salamat
Tita" ang tangi ko lang naisagot.
Nang magmamadaling araw
na ay napagpasyahan ko ng umuwi. Ng nasa bahay na ako ay binuklat ko ang papel
na binigay sakin ni Sein
Dear Zev,
Kamusta ka na sana ayos
ka lang at wag ka magpapagutom hah. Im sorry kong ginawa ko to sa sarili ko
dahil ayaw ko na masaktan. May problema ako sa family ko. Ilang araw ng hindi
nagpapansinan si mommy and daddy dahil sa may ibang babae si daddy. Di ko alam
ang gagawin ko nun at wala akong mapagsabihan. Naalala mo nung nasa kotse tayo
yun. Nung gabing yun nagaway sina mommy. Gusto na sana kitang kausapin noon
para may mapagsabihan ako ng sabihin mo na may kukunin ka lang sa locker mo.
Hinintay kita noon ng mapansin kong may nag text sa phone mo. Kinuha ko ang
phone mo para tingnan yung message nayun at nakita ko na si Kirstelle pala ang
katext mo at mukha ka namang masaya. Pinagwalang bahala ko yun dahil nga transferee
siya that time pero di ko parin maiwasan ang pagsulyap mo sa kaniya tuwing
klase. One-time nakita kita at si Kirstelle sa isang restaurant, di ko alam ang
gagawin at mas ikonagulat ko pa ay hawak hawak mo ang kaniyang kamay. Wala
akong lakas ng loob para komprontahin kayo dahil mahal na mahal kita Zeb.
Naalala mo pa nung sinabi ko na may hihiramin lang ako sa library ay nakita ko
kayong dalawa na naghahalikan. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil takot ako na
mawala ka at hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Ngayon di ko na kaya lahat ng
problema ko. Sa pamilya at sayo Zeb. Ayaw ko na mabuhay para hindi ko na
nararanasan ang mga ito. Ayaw ko na makita sina mommy at daddy na nagaaway at
ayaw ko nang makita ang ginagawa niyo ni Kirstelle. Hindi ko alam kung ano
gagawin ko. Sana maging masaya kayo ni Kirstelle
-After 3 years-
Sinisisi ko parin
anh sarili ko sa pagkamatay ni Sein. Kung hindi ko yun ginawa di sana buhay si
Sein. Naiiyak parin ako pag nakikita ko ang litrato namin. Even a correct
decision is wrong when it was too late