Malamig
na hangin ang sumalubong sa akin sa unang araw ng Disyembre
Inihahanda
ko ang aking sarili papunta sa pagpasok
Ngunit
tulala mong mukha ang sumalubong sa akin
Nagmumuni-muni,
habang nakatingin sa labas ng jeepney
Magkahalong
takot at kaba ang naramdaman ko sa oras na iyon
Lalo
na ng umupo ako sa tabi ng bata na katabi mo
Ang
mga ingay ng tao at busina na di mapigilan ang aking iniisip
Sana’y
wala na lang ang batang ito sa aming paglalakbay
Nagpatuloy
ang takot at kaba habang tayo ay nasa byahe
Napapakinggan
ko ang lagabog ng aking puso
Patuloy
akong nakatitig sa iyong mala-anghel na mukha
Ang
amoy ng buhok mo na lumilipad sa lakas ng hangin
Ang
jeepney ay huminto sa harap ng isang
paaralan
Ang
batang nasa gitna ay tumayo at naglakad palabas
‘Di
ko mapigilan kiligin nang makita ko ang distansya nating dalawa
At
lalo pa nang lumapit ka pa ng ilang pulgada sa akin
Lumipas
ang mga minuto habang tayo ay magkatabi
Wala
akong pakialam sa mga buhok mo na pumupunta sa aking mukha
Sinusulit
ang oras na tayo ay magkatabi at magkasama
Hinihiling
sa Diyos na sana ay tumigil ang oras
Ang
jeepney ay huminto sa tapat ng aking paaralan
Masakit
sa loob ko na tumayo at bumama
Hindi
n akita nilingon para masilayan muli ang iyong mukha
Isang
panandaliang pag-ibig, pagtatagpo, at saya ng puso

No comments:
Post a Comment