Sa episode nang nasabing araw,
nagpakitang gilas ang dalawang aktres sa kanilang confrontation scene si
Tindeng na ginagampanan ni Ms. Charo Santos ay hindi nagpatinag kay Bettina,
isang bihasang aktres na si Tesse Tomas na hinangaan ng mga manonood.
Hindi naman nagpahuli ang mga netizen at agad na sumikat ang kanilang showdown sa iba’t ibang social media platform. “Grabe ang galit ko kay Bettina, pero ang galling nila pareho”, komento pa ng ng isang fan. “Tindeng is the new Queen of Teleserye! Hindi ko kinaya ang mga nasa linya niya, ang TINDIng!”, sabi ng isa pa.
Ang mga kritiko naman ay bumilib sa ipinamalas na kahusayan sa pag-arte ng dalawang aktres, parang tila ba’y tunay na magkatunggali sa totoong buhay. Kahit na sa kabila nito, sa likod ng camera ay magkaibigan at suportado ang dalawa sa isa’t-isa, kaya mas lalong nagpapatingkad sa kanilang eksena on-screen.

No comments:
Post a Comment