Tuesday, November 12, 2024

WERE HAPPY ON THIS PHOTO

 


Sinisisi ko parin ang sarili dahil sa mga nangyari. Hindi ako makatulog sa gabi dahil binabangungot parin ako ng kahapon. Tinitingnan ko parin ang litrato naming dalawa na sobrang saya pero dahil sakin ay nasira ang lahat.

 -3 years ago-

 "Hi love, nandito na ako sa tapat ng bahay niyo", ang text ko sa girlfriend kong si Sein.

 "Ah ang aga mo naman sumundo, ayaw mo ata malate sa klase natin ah", ang kaniyang reply.

 "Bilisan mo na para solo natin yung room" ang pagbibiro ko.

 Yes kami na ni Sein for almost 2years, legal kami both side at tanggap ng pamilya namin ang bawat isa. Were on the same class at nagtatake ng parehong courses at parehong school.

 "Hi Zev nandito nako" ang bungad ni Sein sakin paglabas ng kanilang bahay.

 "Osige sumakay ka na para makapasok tayo ng maaga" at sabay noon ay pinagbuksan siya ng pinto.

 "Wow ang gentleman naman ng aking boyfriend pakiss nga" ang kaniyang pangaasar sakin.

 "Tumahimik ka nga sumakay ka na lang tapos mamaya nalang sa school gawin" ang pangaasar ko sa kaniya.

 Nang makarating kami sa university ay nagpunta na kaming dalawa sa room subject namin at as ussual wala pang tao. Nakasanayan na namin ni Sein na pumasok ng maaga at pumunta agad sa room para tulungan kami sa mga homework namin. Mag aalas otso na ng dumating ang teacher namin sa Statistics and Probability.

 "Ok class may bago kayong kaklase, Miss pumasok ka na at ipakilala mo mo ang iyong sarili". At agad na pumasok ang isang babae.

 "Ako nga pala si Kirstelle Tulca and nice meeting you all" sabay ng bow at nagbigay ng matamis na ngiti saming lahat.

 "Dun ka na umupo sa likod at wala nang free na upuan dito sa unahan" ang sabi ng Prof. namin sa Prob and Stat.

 Agad naman na pumunta si Kirstelle sa tabi dahil doon lang may free na upuan.

Alam kong may girlfriend ako pero na attract ako kay Kirstelle. Maganda siya, matangkad, kung baga ay parang perfect siya sa mata ko.

Pagkatapos ng klase ay pumunta kami si Sean sa cafeteria para bumili ng makakain. Habang nakain kami sa table ni Sein ay biglang may nagsalita. "Pwede ba ako makishare puno na kasi lahat ng table eh" ang sabi ng babae.

"Oh ikaw pala Kirstelle ang sambit ng girlfriend ko na agad ko naman ikinagulat. "Pwede naman dito kana sa tabi ko para sabay narin tayong tatlo pumasok sa susunod na class natin" ang sunod na dada ni Sein

Habang nakain ay hindi ko mapigilan na tumingin kay Kirstelle dahil sa ganda niya. Pero hindi ko parin inaalis sa isipan ko na may girlfriend ako. Pagkatapos kumain ay pumunta na kami sa sunod na klase

 Nang uwian na ay agad kong kinausap si Kirstelle at hiningi ang kaniyang number at hindi naman ako nabigo at binigay niya nga ang kaniyang number.

 Pagkatapos ay pumunta na ako sa kotse para ihatid na si Sein sa kanilang bahay.

"Wait lang babe nalimutan ko yung ibang gamit ko sa locker babalikan ko lang" ang pagkataranta ko dahil naiwan ko yung books ko sa locker.

 "Okay babe kunin mo na at maghihintay nalang ako dito" ang kaniyang namang sabat.

 Habang nasa kotse ay pansin ko ang walang kibo ni Sein sakin.

 "Love ayos ka lang ba, bat ang tahimik mo?", ang tanong ko sa kaniya pero ang tangi lang niyang sagot ay pagod lang daw siya.

Pinagwalang bahala ko ang mga naging kilos ni Sein dahil nga minsan ay wala yun sa mood ay nasanay narin ako sa mga gawain nya na yun.

 Pagkauwi ko ay agad kong tinext si Kirstelle. Walang pang isang minuto ay nagreply na siya.

 "Kamusta na" ang pagtatanong ko sa kaniya.

 At agad naman sjyang nag reply na "ayos lang".

 Di ko maintindihan pero parang mahal ko narin si Kirstelle, pero iba ang pagmamahal ko kay Sein.

 Nagdaan ang mga araw ay ganoon parin si Sein. Wala lagi siya sa mood at tamlay na tamlay. Napapansin korin na lagi siyang tulala at minsan ay nahuhuli ko siyang umiiyak. Nagtuloy tuloy ang mga gawain ko na yun tuwing gabi hanggang sa umamin siya sakin na may gusto siya sakin. Hindi ko maikubli ang aking tuwa dahil nagkagusto sakin yung aking crush at lungkot dahil kay Sein.

 Isang araw ay napagdesisyunan namin ni Kirstelle na magkita sa isang restaurant para i clear kung anong meron samin. Napagdesisyunan ko narin na umamin sa kaniya at ipinangako ko na hihiwalayan ko na si Sein sa madaling panahon.

 -

 "Zen mauna ka na sa kotse at may hihiramin lang ako sa library nalibro" ang sigaw sakin ni Sein.

 Agad naman akong nag ok sign at pumunta sa parking lot para kunin ang aking kotse. Nang bubuksan ko na ay biglang may nagsalita.

 "Babe namiss na kita" na parang excited na tono. "Anong ginagawa mo dito Kirstelle baka makita tayo ni Sein.

 Pero wala na akong nagawa dahil sinunggaban na niya ako ng halik. Nagtagal ang mga pangyayari na yung ng may kalahating minuto bago siya bumitaw ng halik at umalis.

 Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating si Sein dala ang libro na hiniram niya sa library. As ussual wala na naman siya sa mood at basta nalang pumasok sa kotse

 Habang nasa byahe ay pansin ko ang pagwawalang imik ni Sein.

 "Sein okay ka lang ba?", ang pagaalalang tanong ko sa kaniya.

 "Ah okay labg ako, konting sinat lang ito" ang tangi labg niyang sagot.

Pagkarating ko sa tapat ng bahay ni Sein ay pinagbuksan ko siya ng pinto at akma ko na sana siyang hahalikan ay umiwas siya at sinabi na wala siya sa mood.

 Pagkarating ko sa bahay ay agad kong tinawagan si Kirstelle at nagusap kung paano sasabihin kay Sein na may iba nakong mahal.

 -Kinabukasan-

 Papunta na ko sa bahay nila Sein para sunduin siya. Nang nasa tapat na ako ng bahay nila ay sumalubong sakin ang kanilang maid at sabi ay nasa ospital si Sein.

 Agad akong pumunta sa ospital na sinabi ng maid at pagkarating ko sa ospital ay umiiyak ang mga magulang ni Sein dahil sa pagaalala. Pagkarating ko ay agad kong tinanong sila Tito at Tita kung ano ang nangyari ay may nakita daw silang pills sa higaan niya kung saan siya nakahiga.

 Makaraan ang ilang minuto ay may lumapit samin na doktor. "I’m sorry Maam Sir ginawa na po namin ang lahat pero hindi po nakayanan ng anak niyo ang ininom niyang pills. Im sorry patay na po ang anak niyo"

 Lahat kami ay nabigla sa sinabi ng doktor. Hindi ko alam ang gagawin ko that time. Di na rin ako pumasok para damayan ang pamilya ni Sein.

 Kinagabihan ay nagsimula na ang burol. Umuwi muna ako sandali para maligo at kumuha ng pamalit. Pagkarating ko ay kinausap ako ng mama ni Sein. "Anak nakita ko to sa tabi ni Sein nung. Parang para sayo to" sabay abot ang papel at kinuha ko naman ito.

"Salamat Tita" ang tangi ko lang naisagot.

 Nang magmamadaling araw na ay napagpasyahan ko ng umuwi. Ng nasa bahay na ako ay binuklat ko ang papel na binigay sakin ni Sein

  

Dear Zev,

Kamusta ka na sana ayos ka lang at wag ka magpapagutom hah. Im sorry kong ginawa ko to sa sarili ko dahil ayaw ko na masaktan. May problema ako sa family ko. Ilang araw ng hindi nagpapansinan si mommy and daddy dahil sa may ibang babae si daddy. Di ko alam ang gagawin ko nun at wala akong mapagsabihan. Naalala mo nung nasa kotse tayo yun. Nung gabing yun nagaway sina mommy. Gusto na sana kitang kausapin noon para may mapagsabihan ako ng sabihin mo na may kukunin ka lang sa locker mo. Hinintay kita noon ng mapansin kong may nag text sa phone mo. Kinuha ko ang phone mo para tingnan yung message nayun at nakita ko na si Kirstelle pala ang katext mo at mukha ka namang masaya. Pinagwalang bahala ko yun dahil nga transferee siya that time pero di ko parin maiwasan ang pagsulyap mo sa kaniya tuwing klase. One-time nakita kita at si Kirstelle sa isang restaurant, di ko alam ang gagawin at mas ikonagulat ko pa ay hawak hawak mo ang kaniyang kamay. Wala akong lakas ng loob para komprontahin kayo dahil mahal na mahal kita Zeb. Naalala mo pa nung sinabi ko na may hihiramin lang ako sa library ay nakita ko kayong dalawa na naghahalikan. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil takot ako na mawala ka at hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Ngayon di ko na kaya lahat ng problema ko. Sa pamilya at sayo Zeb. Ayaw ko na mabuhay para hindi ko na nararanasan ang mga ito. Ayaw ko na makita sina mommy at daddy na nagaaway at ayaw ko nang makita ang ginagawa niyo ni Kirstelle. Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Sana maging masaya kayo ni Kirstelle

  

-After 3 years-

 Sinisisi ko parin anh sarili ko sa pagkamatay ni Sein. Kung hindi ko yun ginawa di sana buhay si Sein. Naiiyak parin ako pag nakikita ko ang litrato namin.  Even a correct decision is wrong when it was too late

 

No comments: