Tuesday, November 12, 2024

DREAM COME TRUE

 

        Nawala ang tulog ko ng may narinig ako na malakas na hiyaw sa labas ng bahay. Agad akong nabalikwas sa aking pagkakahiga at tiningnan ito

     Nakita ko ang isang babae na tumatakbo at sa likod niya ay lalaki na may hawak na kutsilyo.

     Nataranta ako at agad na lumabas ng bahay para tulungan ang babae.

     “Gagamboy”, ang malakas kong sigaw

     “Tumigil ka lalaki at kung hindi ka titigil ay makakatikim ka sakin”, ang aking banta sa kaniya

     At nang tuloy parin ang kaniyang paghabol sa babae ay agad ko siyang pinatumba gamit ang aking kamao at tinali gamit ang  aking sapot.

     “Miss okay ka lang ba?”, ang pagaalala kong tanong

     “Okay lang, Salamat gagamboy!” ang kaniyang tuwang ekspresyon

     “Gising na, nananaginip ka na naman diyan, may pasok ka pa” ang sigaw ng aking nanay

     At nang sa gabing iyon ay isa na naman na tao ang nailigtas ko sa aking panaginip


No comments: