Sunday, November 10, 2024

HULING SAKAY: Bakit Ibig kong MAMATAY?

           Ibig ko nang mamatay! Nagsawa na ang sarili sa sobrang insecurities, kinain na ng black hole ang nilikha kong sariling mundo. Iyon ay ang, sa halip na palakasin ko ang aking kaluluwa nang may sigasig, pinasiyahan ko ang aking sarili sa pagdududa at napuno ang aking kamay ng paghihirap. Na mumuo sa loob ko ang mga ulap ng pag-iisip. Naging mabuting anak ba ako? Hindi ba? At gayon pa man, naipit ako sa sitwasyong ganito tulad ng mga tao sa sasakyan. Mayroon akong dalawang mahigpit na magulang at iyon ay kung paano ko malalaman na patay na ako kapag umuwi ako. 

            Naaalala ko ang oras na tumuntong sa pampasaherong jeepney na may dinaramdam na mabigat at masakit sa puso. Hindi ko kayang gawin. Hinding-hindi ko magagawa. 

          Malakas ang ulan. Ang paghihirap na nagawa kong itago sa aking puso sa loob ng labing-walong taon ay nawawalan ng saysay, nagiging mal amig. Nais tumigil sa pagtibok ng puso. Hindi ako nawawalan ng pananam palataya ngunit alam kong nasa isang mainit na lugar ako. 

        Nararanasan ko ang kakapusan. At ito ako, nagdarasal na makapiling ko ngayon ang tatay ko. 

          Pero sa lahat ng oras na kinakausap ko siya, tila ba’y nais na niya akong sumuko. Alam ko na hindi ako perpektong anak, na hindi ko kayang pangunahan, hindi ako ang taong nais ng Diyos na maging ako. Subalit sinampal ko ang aking sarili sapagkat pumayag na durugin ng aking kaaway. Bumalik ako sa katotohanan na mahina ako at wala akong kwenta at kakayahan pagkat hindi ko kayang gawin ang gusto nila. Maaaring ako ay palaging nabibigo at nagtatapos sa mahina at maselan ngunit ako ay may limitasyon din. 

        Naiiyak ang sarili habang tinatanong ang Diyos kung mahal ba niya talaga ako. Sa tuwing nahuhuli akong dumating sa klase, sa mga tagpong pinagagalitan ako ng aming professor, nung wala akong nagawa sa kanilang pambubuska, kapag nadarapa sa hagdanan at pinagtatawanan ng lahat, kapag nakakuha ako ng mababang marka sa klase, at hindi ma bilang na pagkabigo sa pagsusulit. Hindi kita napakinggan. 

        Walang salita ang makakapagpabago sa aking nararamdaman. Hindi ko naramdaman ang iyong espirito at hindi ko man lang nadama ang pagyakap mo. Nasaan ka ama? Nasaan ka Diyos ko? Walang saysay lahat ng ginawa ko dahil sa mata ng ibang tao ay wala akong kwenta. Walang umakay sa’kin at walang nagsabi sakin na malakas ako. Ang pag-iisip ko na mahina ako ang naging dahilan kung bakit ganito ako ngayon. Walang nagbigay sakin ng kapayapaan, at himukin akong lumaban. Ilang beses akong nagdasal pero wala akong sagot na natanggap sa mga tanong ko. Nasaan ka Diyos ko? Hindi ko na matiis ang aking paghihinagpis sa puso ko, ang mga hirap at lahat ng problema. Hindi ko na kaya. 

        Sa jeepney na ito naramdaman ko na walang sumasama sa akin, walang umaagapay, walang may pakialam sa akin. Pinagkakakaisahan ng mundo. Ayaw ko nang mabuhay. Ayaw ko na sa inyo. Ayaw ko na sa inyo o Diyos ko. Punong puno na ng hirap at galit ang puso ko. Sa tingin ko ang finish line na ang naghihintay sa akin. Ang sagot ko sa katanun gan ko, “OO”. Ayaw ko na.

No comments: